ui magkano ba sa pentagon?
14k sobra ata... nakalimutan ko na eh...
ah ok, may maayos bang paupahan dun?
meron naman mga dorm or apartment...
sa españa yung office nila pero yung mga venue nila meron SM San Lazaro, Adamson University, San Sebastian College pati St. Thomas Square...
dito ka ba magrereview sa manila?
aahh so sa loob ng universities meron din sila? ayoko kasi sa mall at sigurado walang mangyayare sa buhay ko dun hahaha
oo dyan na! ayoko na sa in-house walang kwenta parang NCM lecture lang, nagsimula na nga ulet pero ayoko na talaga dun, ang aga aga pa.
meron... dapat pumunta ka na agad dun tapos mag-enroll ka na kasi baka maubusan ka ng slot eh..
tsaka para malaman mo kung san ka uupa ng titirahan mo...
ehh hindi ko pa nga naayos yung requirements para sa board haha di pa kame napunta sa prc, yung isang ci kasi namen nag expire yung license
kelangan pa ulet namen papirmahan sakanya badtrip talaga yun
ehh magkano pala final coaching dun?
nakalimutan ko na kung magkano final coaching eh... di naman gaano importante yun... intensive & critical importante...
papirma ka na kasi dami nakapila sa PRC lalo na pag NLE application. Meron jan nakapila gabi pa lang...
nako tamad na tamad pa naman ako pumila, basta this week aayusin ko na yung mga papapirmahan ko pang case
matututo ba naman ako dun?? haha
nasasayo lang naman yan eh...
dun kelangan mahaba pasensya mo... di pwede pikon pag pumila sa PRC... ang init pa naman dun sobra...
anu ba yan kainis baka pwedeng ipasara ko muna yung prc pag ako na pipila hahaha babayaran ko nalang sila hahahaha
di pa gaano mahaba ang pila basta maaga kayong mag-apply...
oo.. tska basta di pa malapit ang deadline kaya mas mabuti kung this week na kayo mag-aapply sa PRC...
oo nga. nako. nakakastress!
maghahanap ka pa ng uupahan mo...
oo nga eh, san ba yung adamson? diba yung san sebastian sa u.belt?
oo, nasa u-belt yung san sebastian... sa recto... yung adamson nasa san marcelino, likod ng taft...
napakalalayo naman jusko, ayoko kasi sa sm san lazaro.
mag st. thomas ka na lang kaso monoblock chair yung upuan...
ehh anu ba upuan sa iba? haha
sa SM kasi nasa SM cinema kayo... sa adamson ata nasa auditorium eh.. tapos sa St. Thomas pati San Sebastian nakamonoblock chair...
nyehh, nu ba yan parang sa school lang namen. haha choosy pa sa upuan!
kaw kung san mo gusto... basta kung ngayong week ka magpapa-enroll makakapili ka pa ng venue... start na ata review ng first batch...