Salamat at nakilala kita. Naalala ko first meeting natin, nasa kabilang side ka nun. Nung nagsalubong tayo ng tingin, bigla ka tumawid tapos sabay pasok sa bigasan then tumalon sa mesa at natulog.
Tapos nun bigla ka umalis. Kinabukasan nakita ulit kita at tumawid ka tapos tambay ule. Since bawal mga pusa noon sa bahay, naisip ko dalhin ka sa bahay ni Abes. That time kamamatay lang din ng puting pusa nila si Lingling
Di rin naging madali stay mo dun kasi binubully ka ni Ambal. Nasa ibabaw ka lang ng ref nakapirme. Pero di nagtagal inuwi rin kita. Naging kasama ka namin sa hirap at ginhawa.