reivann
14 years ago
Nakita ko na ang Sangken sa mga bituin ng Maynila.
latest #23
reivann
14 years ago
Wala ang Sangken sa labas ng mga mata.
reivann
14 years ago
Nasa loob. Nasa sa atin ang Sangken.
reivann
14 years ago
At kung tayo pa rin ang dating tumitingin sa Sangken, makikita natin ang Sangken sa kahit saan.
立即下載
reivann
14 years ago
Kahit saan.
reivann
14 years ago
Sa kahit anong uri ng kagandahan.
reivann
14 years ago
(Walang bituin sa Maynila. Mga butil lang ng liwanag na pinilit likhain ng mga tao. Dulot sa pangangailangan ng liwanag.)
Ang Punday
14 years ago
Parang may nabasa na akong tulang ganyan ang title "Walang Bituin sa Maynila" o baka pols memori, kahit na, ang gandang thought
reivann
14 years ago
Wander : Ikaw yung nakahaylayt na walang bituin sa lungsod. Dulot nang sabi ata ni Ser Idol mo. :-D
reivann
14 years ago
Pero wala talagang bituin dito. Puro mga tuldok ng ilaw galing sa mga poste, sasakyan, construction, gusali at mga barko.
Ang Punday
14 years ago
Ah, oo nga, sabi ni Ser Jun
Ang Punday
14 years ago
Hindi ko makita ang ganda ng city scape, mga kwadradong burol na gawa sa konkreto at bakal,
Ang Punday
14 years ago
Sa Dagat, sa gitna ng dagat nakatira lahat ng bituin, kung sa lupa para lang tong bintana, sa dagat parang kumot na nakatalukbong sa lahat
reivann
14 years ago
Pag dumadating ang gabi. Magkarugtong ang kalawakan ng lupa at ng dagat. Nagiging bituin ang mga bumbilya.
reivann
14 years ago
Nagiging hindi mapagkait na bulalakaw ang dahan-dahan na pagdaan paggalaw ng mga bangka.
reivann
14 years ago
Dahil, mabagal ang galaw ng liwanag nila, haha.
reivann
14 years ago
Pero, sa nakikita ko ngayon. Biniyayaan ng langit ang lupa ng sarili nitong mga bituin.
reivann
14 years ago
Marahil sagot sa pagmamakaawa na sa gitna ng mapanlihim na lungsod.... ay may masinaan namang mga bituin.
Ang Punday
14 years ago
Bituin na hindi maitatago ng mga ulap, nabubuhay sa gitna ng mga kable ng kuryente at gusali,
Ang Punday
14 years ago
Ang pinaka mahusay na nagawa ng tao, ay nang madiskubre nyang kaya nya gumawa ng sarili nyang liwanag
reivann
14 years ago
Tama, walang ulap na kumukubli. tanging mga poste, mga gusali, mga tao, mga saksakyan...
reivann
14 years ago
ang bumubuhay at pumapatay, ang nagpapaindip indip,, sa mga mumunting mga kaliwanagan.
reivann
14 years ago
Sige, Ernest. Alis na ko. Salamat ng marami. Babay. :-D
Ang Punday
14 years ago
hadlang ng tao sa liwanag na dulot ng tao din
back to top