GEORGE SIAO KIAN TY-TOYOTA MOTORS ASIAN CENTER AUDITORIUM, ABENIDANG KATIPUNAN, DILIMAN; KANINA: Dumalo si Dating Bise Presidente Maria Leonor Gerona-Robredo bilang Commencement Speaker sa taunang Pagsisipagtapos ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Ito ay sobrang espesyal para sa kanya dahil ay nakipagsosyo sa kanila mula noong 2020 sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19. Nagawa nilang inilunsad ang Bayanihan e-Skuwela noong siya'y Pangalawang Pangulo pa lamang, sa isang malaking lawak, dahil sa kanilang bayanihan sa bayan.
Ang lahat ng kanilang pinaghirapan at pinagpaguran sa pag-hubog ng kanilang katalinuhan, kaalaman at kasanayan ay kabalikat nito sa serbisyong sibil at inspirasyon sa bayan natin para makatulong sa kanilang mga pamilya't kaibigan, kabarkada't kapatid, at lalo na ang taumbayan.
Sa lahat ng mga magsisipagtapos ng kanilang pag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (Quezon City Campus), binabati ko kayong lahat; tungkulin at katanyagan tungo sa katatagan at paglilingkod sa sambayanan. Mabuhay ang Mga Magiging Pag-asa ng Bayan.