PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER, LUNGSOD NG PASAY; KAGABI: Dumating si Dating Bise Presidente Leni Robredo bilang Panauhing Pandangal sa higit sa 700 nagtapos ng Medisina, Nursing at Allied Health Courses sa Nicanor Reyes Medical Foundation ng Pamantasan ng Malayong Silanganan (FEU).
Marami sa mga miyembro nito ang nakibahagi sa COVID-19 response initiative natin noon sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo — kaya panawagan ni Leni sa bagong mga doktor, nurses, at allied health professionals: Ipagpatuloy ang tradisyon ng paglilingkod at pakikibahagi sa bayan.
Ito ang ikalawang pagsisipagtapos para sa kanya kahapon. Dalawa pa bukas at marami pang iba sa susunod na dalawang linggo. Ito na talaga ang kasagsagan ng panahon ng mga magsisipagtapos ng mga pag-aaral.
“Grabe na migraine ko but I really enjoy graduations. Laging nakakataba ng puso ang pakikisalamuha sa mga nagtapos, mga magulang at mga guro,” tugon ni Robredo sa kanyang Facebook post.