“BAGONG HENERASYON NG MGA PILIPINONG MARINERO AT PROPESYONAL NA MANDARAGAT!”🧑✈️🚢⚓️🇵🇭💗
— Iginiit ni Robredo sa kanyang talumpati sa PMMS-Manila/Las Piñas Graduation Rites sa PICC-Pasay na magsikap hindi lamang sa pangarap, kundi para makibahagi sa pag-unlad ng bansa.
Lahat ng mga pinag-paguran at pinag-tiyagahan ng bawat Marinerong Pilipino, ibinuhos para pagsilbihan ang sambayanan sa oras ng paglalayag sa ibayong dagat katumbas ng walang humpay na determinasyon at pagpupursige sa kanilang trabaho sa larangan ng serbisyong pang-karagatan, ani Leni.
Naitatag ang Paaralang Pang-Marinong Mangangalakal ng Pilipinas noong Primyero ng Agosto 1950 ng mga marinerong Pinoy at isa sa tatlong nangungunang institusyon ng agham pandagat sa Pilipinas mula sa Pantalan ng Maynila at Avenida sa Santa Cruz hanggang sa Talon Uno at Alabang-Zapote.
Meron ding mga mahahalagang kursong mai-offer rito para sa mga gawain at takdang aralin gaya ng Marine Technology, Electronic Technician, Seafarer's Rating; Deck, Engine at Steward Ratings; Reefer Technician/Marine Repairman Course, Pump-man Curse, Tourism, Mechanical/Electrical Engineering, at BS Management.
Itinuturing ng PMMS ang kanilang sarili bilang isang pinuno at isang trendsetter sa pagbibigay ng pinakamahusay na paghahanda sa edukasyong panlalayag para sa mga Pilipinong marino at mandaragat sa ibayong dagat.