inaantok na 'ko pag sinasabi ng teacher, "One apple plus one apple..." Hindi ko alam na Math 'yun dati; basta alam ko, borrring talaga.
Walang anu-ano'y kinuha ng teacher ang lahat ng notebooks namin at pinalipad sa bintana, ginawang confetti sa Ayala.
Ano ang laman ng tray? Cheese curls, potato chips, cornik, butong pakwan, bubble gum, caramel, candy, chocolates, at iba't ibang chichirya.
May mga gumagamit ng imported na backpacks, at meron ding gumagamit ng mga fish nets.
Meron kaming poster & slogan making contest. Bukas ang paligsahan para sa lahat ng gustong sumali... pati na rin sa mga ayaw-- kami 'yon...
Paiikut-ikutin ka sa discussion at pag hilo ka na, sisipain ka.
Makikita mo na lang ang sarili mo na taimtim na nagbabasa ng katapusan ng itim na librong walang kwenta at hindi mo maintindihan.... GO!
Madalas akong huli sa klase. Pagdating sa upuan ko, ang pagpiga ng panyong basang-basa ng pawis ang una kong ginagawa.
Nalaman kong mali ang mamigay ng pad papersa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng papel kahit na may pambili.
Meron kaming CR sa eskwelahan, pero walang janitor... Pag pumasok ka dito, masusuka ka muna bago ka matae. kahit diarrhea mo uurong.