Nung huli naming kita, di pa rin nawala yung pasimpleng tinginan namin. Siguro pareho kaming may gustong sabihin pero natatakot kami?
May gustong sabihin yung mga mata nya na hindi masabi ng bibig nya.
Sarap sana yung titingin ka tapos nakatingin na pala sayo yung titingnan mo. The more interesting thing is, kahit nahuli ko na syang nakatingin sakin, hindi nya iniiwas tingin nya sakin.
Wala na kong mahuhuling nakatitig sakin. Wala na kong titingnan ng pasimple.
Pag may get together ang reason ko lang kung bakit gusto ko sumama e para makita sya. Ngayon, wala na kong rason para sumama pa sa kanila kasi wala na sya.
Halos araw araw pa rin akong nagsasalita mag isa, kinakamusta sya. Okay ba sya? Happy ba sya? Tanggap nya ba? Kasi ako hindi.
Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin yung sagot sa mga tanong na hindi ko naman nasabi.
Hi Plurk. Siguro dito pwede na ko masaktan?
Sana lang bumalik siya mamaya :/