“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”
“Ano ang talino kung walang disiplina?”
“Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?”
“Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.”
“Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”
”Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.”
“Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.”
“Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”